PBBM idineklarang adopted son ng CamSur

PBBM idineklarang adopted son ng CamSur

March 16, 2023 @ 1:13 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Idineklara si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes, Marso 16 bilang adopted son ng probinsya ng Camarines Sur.

Si Marcos ay nasa probinsya para sa serye ng mga kaganapan, kabilang ang groundbreaking ceremony ng housing project sa Naga City.

Sa speech ni Governor Luigi Villafuerte, inanunsyo niyang itinuturing nang adopted son ng probinsya si Marcos bilang pagkilala sa mga naitulong nito lalo na sa panahon ng mga kalamidad.

“That is why for all that you have done for the province of Camarines Sur, as a way of expressing our everlasting gratitude for all that you have done, please allow me to present to you the resolution by the Sangguniang Panlalawigan of Camarines Sur, declaring you, Mr. President, as the adopted son of Camarines Sur,” ani Villafuerte.

“Mga Kapatid, gusto ko pong ipaalala sa inyo na kung hindi po kay dating Senador Bongbong Marcos na ngayon ang Pangulo ng ating bansa, nahati na po ang ating probinsya. Siya lang po ang kaisa-isang senador noon na nakipaglaban, nanindigan, para hindi mahati ang Camarines Sur,” dagdag pa niya.

Matatandaang ang Camarines Sur ang hometown ni dating Vice President Leni Robredo na naging mahigpit na katunggali nito sa pagka-Pangulo sa 2022 election. RNT/JGC