PBBM, ika-17 Pangulo ng Pilipinas, nanumpa na

PBBM, ika-17 Pangulo ng Pilipinas, nanumpa na

June 30, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanumpa na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. bilang ika-17 Presidente ng Republika ng Pilipinas, alas-12 ng tanghali ngayong Huwebes, Hunyo 30, 2022.

Present sa panunumpa ni PBBM sa National Museum ang mga miyembro ng pamilya Marcos, Vice President-elect Sara Duterte at ilang VIPs.

Nakasuot ng detalyadong puting terno, si Duterte, ang running mate ni Marcos noong 2022 polls, na nauna nang nanumpa  sa Davao City noong Hunyo 19.

Nagpapakita pa rin ng kanyang fashion style, ang ina ng incoming president at dating First Lady Imelda Marcos na nakasuot ng powder blue terno sa oath-taking ng kanyang anak ngayong tanghali.

Dumating na rin sa venue ang iba pang miyembro ng pamilya Marcos, kabilang sina Senator Imee Marcos at Irene Marcos-Araneta, mga kapatid ng pangulo.

Dumalo rin sina dating Pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo para salubungin ang incoming chief executive.

Si outgoing Senate President Vicente Sotto III ang nagbasa ng Certificate of Proclamation sa seremonya habang si Supreme Court Justice Alexander Gesmundo ang nagpasinaya ng panunumpa ni PBBM.

Bago pumunta sa Pambansang Museo, nagtungo si Marcos sa Palasyo ng Malacañang para sa simbolikong departure ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang ama ni Sara. RNT