PBBM, inaasahang dadalo sa UN meet sa New York – envoy

PBBM, inaasahang dadalo sa UN meet sa New York – envoy

July 8, 2022 @ 7:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tinitingnan na ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa United Nations General Assembly sa New York sa Setyembre kung saan magbibigay ito ng kanyang talumpati.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na posible rin ang side meeting ni Pangulong Marcos kay  US President Joe Biden.

Iyon nga lamang, sinabi ni Romualdez na mas gusto niya ang hiwalay na inaugural bilateral summit sa pagitan ni Pangulong  Marcos at Biden ngayong taon sa Washington, D.C.

Maliban dito, posible rin na magkaroon ng bilateral meetings si Pangulong MArcos sa iba pang lider ng UNGA, inilarawan ni Romualdez bilang  “a very important occasion.”

“You can be sure that [with] the kind of publicity in the past weeks [since] he was inaugurated as [the] 17th president, a lot of people are very interested to hear him, to see him, meet him. So that’s why very early on, even before the elections, I told him that I hoped one of the first trips that he would have in the Western world would be [to] the United Nations,” ayon kay Romualdez.

May tsansa rin aniya ang Pangulo na makadalo sa UN assembly  bilang Pangulo ng PIlipinas sa unang bahagi ng  two-week meeting.

“I think that he sees that as a valuable reason for him to be at the United Nations, that he will speak at the UN. It’s a very important occasion and a lot of heads of state will be there for sure,” ayon kay Romualdez.

Sa kabilang dako, nakatakda  namang dumalo si Vice President Sara Duterte sa  education summit sa New York sa Setyembre, sa UNGA.

Samantala, wala namang depinidiong petsa kung kailan ang bilateral meeting ni Pangulong Marcos kay Biden sa White House subalit umaasa na matutuloy ito  bago matapos ang taon o bago ang buwan ng Nobyembre.

Nagpaabot ng imbitasyon si Biden kay Pangulong Marcos na bisitahin ng huli ang  Washington sa isang “mutually agreed date.”

“On the bilateral, we have not yet gone there because personally I would like to see President Marcos go to Washington, D.C. for a meeting with President Biden and hopefully we can do that sometime before the end of year, before November. But we have to look at the right timing for it, the invitation is open-ended,” ayon kay Romualdez. Kris Jose