PBBM: Infra projects para sa energy, agri sector popondohan ng MIF

PBBM: Infra projects para sa energy, agri sector popondohan ng MIF

January 19, 2023 @ 11:06 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Itutuon sa mga proyektong pang imprastruktura para sa energy at agricultural projects ang kikitain sa ilalagak na Maharlika Investment Fund ng gobyerno, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa breakfast meeting kasama ang mga chief executive officer sa sideline ng World Economic Forum sa Davos.

“When we first discussed the sovereign wealth fund, the real purpose is that there is not enough money in government to do all the things that we need to do,” ani Marcos.

“We have reserves. And we must make [sure] that money sitting in banks, commercial and government… We need to find a way to make that money work for us, and that’s why we thought the sovereign wealth fund would be a good idea to leverage what assets the government has, what monies the government has,” aniya pa.

Sinabi ni Marcos na ang panukalang sovereign wealth measure ay magpopondo sa mga kritikal na proyektong pang-imprastraktura.

“We’re talking about energy, we’re talking about infrastructure, we’re talking about agricultural development, we’re talking about digitalization. So all of these will need a great deal of support,” ani Marcos.

Sinabi ng Pangulo na “gagampanan ng pondo ang bahagi nito” sa paghikayat sa public-private partnerships (PPPs), na napakahalaga sa pambansang paglago at pag-unlad.

Nakasaad sa panukalang-batas na lumilikha sa MIF ay nagsasaad na ito ay popondohan ng mga investible resources ng Landbank of the Philippines (P50 bilyon), Development Bank of the Philippines (P25 bilyon), at ang mga dibidendo/kita ng Bangko Sentral ng Pilipinas. RNT