PBBM, inihirit sa LGUs na maging bukas sa PPP

PBBM, inihirit sa LGUs na maging bukas sa PPP

August 3, 2022 @ 1:28 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa local government units (LGUs) na maging bukas sa public-private partnership (PPP) bilang mode of financing para sa mga proyekto.

Binanggit ito ni Pangulong Marcos sa isinagawang meeting sa mga miyembro ng League of Cities of the Philippines, araw ng Martes.

Binigyang-diin niya na malaki ang magiging bahagi ng digitalisasyon sa PPP, lalo na sa pagsusulong ng economic recovery at digital transformation.

“I think this is the way forward, and I encourage all our local government units to be open to the possibilities of PPPs and to have private-public partnerships, especially in your areas,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Digitalization is a going to be a very natural fit for something like PPPs,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ng Pangulo na tututok din ang kanyang administrasyon sa imprastraktura.

Sa katunayan aniya ay nakatanggap siya ng alok para pondohan ang big-ticket projects, kabilang na ang official development assistance (ODA) at joint ventures.

“May ODA, may private sector, joint venture .. Well, you’re local government, you know that already. Local government generally cannot do it by itself. We have to find partners, we have to find local partners, we have to find investors. Sanay na kayo diyan ,” aniya pa rin.

Samantala, dapat din na maging “driving force” ang local chief executives para i- promote ang economic transformation.

“But even at the national level, we are encouraging it. I hope that you continue to do that and be the driving force behind our economic transformation. I have always said that some of the best talent in government is in the LGUs, in the cities, in the governors, in the mayors,” ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose