PBBM, Japan PM nagkita na; kooperasyon palalakasin

PBBM, Japan PM nagkita na; kooperasyon palalakasin

September 22, 2022 @ 7:25 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagkita at nagkausap na sina Japanese Prime Minister Fumio Kishida at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas noong Miyerkules.

Dito inihayag ni Kishida ang pagnanais niyang palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga prayoridad tulad ng agrikultura, enerhiya, kalusugan at imprastraktura, sabi ng isang tagapagsalita ng Hapon.

Nagsagawa ng working lunch ang mga lider sa sideline ng UN General Assembly sa News York.

“Ang dalawang pinuno ay sumang-ayon sa patuloy na pagpupulong sa High-Level Joint Committee on Infrastructure Development and Economic Cooperation upang maiangat ang bilateral na kooperasyon sa mas mataas na antas,” sinabi ni Japanese Foreign Ministry Press Secretary Hikariko Ono sa mga mamamahayag.

Sinabi rin ni Kishida sa pulong na “the international community needs to oppose unilateral attempts to change the status quo by force in the East and South China Sea, as well as economic coercion,”  sabi ng tagapagsalita, sa maliwanag na pagtukoy sa aktibidad ng Tsina na regular na pinupuna ng Japan.

Sinabi ng Japan na matapos mahalal si Marcos noong Mayo ay nais nitong ipagpatuloy ang kooperasyon sa pagpapaunlad ng imprastraktura, kabilang ang mga riles, pagpapaunlad ng Subic Bay, gayundin sa pagpapatupad ng batas sa seguridad at coast guard. RNT