PBBM kay NIA acting head Guillen: Poverty incidence sa hanay ng mga magsasaka, bawasan

PBBM kay NIA acting head Guillen: Poverty incidence sa hanay ng mga magsasaka, bawasan

December 15, 2022 @ 4:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni newly-appointed National Irrigation Administration (NIA) acting administrator Eduardo Guillen na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawasan ang poverty incidence sa hanay ng mga magsasaka.

Tinukoy ang data mula sa Philippine Statistics Authority, sinabi ni Guillen na mahigit sa 60% ng mga mahihirap ay matatagpuan sa rural areas at karamihan sa mga ito ay mangingisda at magsasaka.

“Ang mandato sa’tin ng Pangulo, gawin natin silang…hindi lang dapat sila producers of goods, dapat may kakayahan silang maging consumer of goods and services. Ibig sabihin, mapaangat sila doon sa poverty threshold. ‘Yun kasi ang magandang foundation ng micro, small, and medium enterprises,” ayon kay Guillen sa isang public briefing.

“Ang mandate sa’tin ng Pangulo ay generally pababain ang poverty incidence lalo na sa ating magsasaka,” dagdag na pahayag nito.

Binigyang-diin nito na walang kapayapaan kung may nagugutom.

Si Guillen, dating Alkalde ng Piddig, Ilocos Norte, ay nagsabi na magtatakda sila ng interbensyon para mapababa ang production cost ng mga magsasaka, habang pinapalawak ang kanilang merkado.

Matatandaang, araw ng Lunes ng kumpirmahin ni Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil na itinalaga ni Pangulong  Marcos si Guillen bilang bagong NIA acting head, pinalitan niya si dating NIA administrator Benny Antiporda. Kris Jose