PBBM kay Parreño: ‘Excellence’ ng PH Air Force, panatilihin

PBBM kay Parreño: ‘Excellence’ ng PH Air Force, panatilihin

December 20, 2022 @ 7:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na mapananatili ng bagong pamunuan ng Hukbong Panghimpapawid ang “excellence” at dangal sa Philippine Air Force.

Bahagi ito ng mensahe ng Chief Executive sa ginanap na change of command ceremony sa Philippine Air Force.

Umaasa naman ang Pangulo na sa ilalim ng bagong liderato nito sa katauhan ni Major Gen Stephen Parreno, sisikapin nitong mapanatili ang dangal sa Hukbo upang matupad ang mandato sa bansa at sa sambayanan.

Sinabi ng Pangulo na tiwala siya kay Gen. Parreno na itutuloy nito ang mga nasimulan ng inisyatibo sa PAF habang pagsisikapang maabot pa ang mas mataas na mithiin para sa pagsisilbi sa tao at bayan.

Si General Parreno ang hinirang ni Pangulong Marcos na maging ika- 39 na commanding general ng Hukbong Panghimpapawid. Kris Jose