PBBM kay Xi: WPS joint exploration talks gustong ipagpatuloy ng Pinas

PBBM kay Xi: WPS joint exploration talks gustong ipagpatuloy ng Pinas

January 5, 2023 @ 9:55 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Chinese President Xi Jinping na nais ng Pilipinas na ipagpatuloy ang negosasyon ukol sa joint oil exploration sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa Office of the Press Secretary, winika ng Pangulo na ang pagpapatuloy sa negosasyon sa joint exploration sa WPS “is very important to the Philippines.”

“I really hope—I would very much like, as you have suggested, Mr. President, to be able to announce that we are continuing negotiations and that we hope that these negotiations will bear fruit because of the pressure upon not only China, not only the Philippines but the rest of the world to move away from the traditional fronts of power,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang bilateral meeting kasama si Xi.

Naniniwala rin si Pangulong Marcos na mayroong “vast opportunities” na makukuha kapuwa ang Pilipinas at China habang ang ekonomiya ng buong mundo ay nagbabago, kapuwa mapakikinabangan ng dalawang bansa.

Sa nasabi pa ring miting, nangako naman si Xi kay Pangulong Marcos na tutulungan ang Pilipinas sa pag-develop sa mga priority areas ng administrasyon gaya ng “agriculture, fisheries, energy, at infrastructure,” tinintahan ang ilang kasunduan sa bansa.

Samantala, ang China ang itinuturing na major trading partner ng Pilipinas, nakapagtala ng kabuuang kalakal na $29.1 billion mula Enero hanggang Setyembre 2022. Kris Jose