PBBM, Kishida nagkasundo sa mas malakas na ugnayan ng PH, Japan

PBBM, Kishida nagkasundo sa mas malakas na ugnayan ng PH, Japan

November 13, 2022 @ 12:09 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kapwa nangako sina Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palalakasin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa idinaos na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Plus Three Summit sa Phnom Penh, Cambodia.

Sa isang kalatas,  sinabi ng  Office of the Press Secretary (OPS)  na nagkaroon ng maiksing pag-uusap sina Pangulong Marcos at  Kishida sa sidelines ng summit.

“Next year will mark the 50th anniversary of the friendship and cooperation between Japan and ASEAN. And I look forward to advancing the cooperation between ASEAN and Japan,” ayon kay Kishida.

Bilang tugon, sinabi naman ni Pangulong Marcos na  “All of the concepts that we first started to discuss when we were in New York, we are continuing to develop in our government so that when the time comes, this concept that you have introduced to us on economic stability, is something… that ASEAN, the Philippines —we will continue to develop more of these ideas, and these concepts.”

Looking forward naman si Kishida na tanggapin si Pangulong Marcos sa Japan kapag nag-state visit na ang huli.

 Sa ngayon, wala pang petsa ang itinakda para sa nasabing state visit ni Pangulong Marcos, ayon sa OPS.

Sa kabilang dako, sa  25th ASEAN-Japan Summit, pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang Japan sa patuloy na pagsuporta nito sa Pilipinas sa iba’t ibang larangan gaya ng disaster management, COVID-19 response, at  pagho-host ng libong mga filipino.

“They have been taken in by the Japanese people and have now found a place to live and work happily. For that we will always be grateful,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Our cooperation during the COVID-19 pandemic shows the agility of our partnership – we came to depend on Japan’s substantial assistance to the COVID-19 ASEAN Response Fund and to the ASEAN Comprehensive Recovery Framework,” wika pa ng Pangulo.

Binanggit din nito ang pagsuporta ng Japan sa AHA Center, o ASEAN Coordination Council for Humanitarian Assistance on Disaster Management, sa pamamagitan ng  Japan-ASEAN Integration Fund, at maging sa  ASEAN Center for Biodiversity sa pamamagitan ng “establishment and management” ng ASEAN heritage parks.

Samantala, winelcome naman ng Pangulo ang pagsuporta ng Quad para sa “ASEAN unity and centrality” at muling pinagtibay ang  full commitment ng Pilipinas para mapanatili ang “regional peace and security.”

Ang Quad  ay isang strategic security dialogue sa pagitan ng mga bansang Australia, India, Japan at Estados Unidos. Kris Jose