PBBM kumpiyansa sa matatag na relasyon ng Pinas, Indonesia

PBBM kumpiyansa sa matatag na relasyon ng Pinas, Indonesia

September 5, 2022 @ 2:52 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na mananatiling matatag ang relasyon ng Pilipinas at Indonesia sa mga darating na taon.

Sa idinaos na bilateral meeting  kasama si  President Joko Widodo, araw ng Lunes, Setyembre 5, binanggit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng  kanyang unang pagbisita sa Jakarta.

Aniya, malapit ang dalawang bansa sa aspeto ng  “geographical location, culture, at ethnicity.”

“I think that it is going to be the strong partnerships that we will make as we slowly come out of the pandemic economy is what is going to lead us to success,” ayon kay Pangulong Marcos.

“That is why we go once again to our friends and to our partners around the world especially in the region, especially together [with] what we spoke about the ASEAN member countries and the common concerns that we share. So, again it’s those partnerships I believe that will keep the stability of all of our plans and what we are hoping to do in the next few years,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay President Jokowi  sa imbitasyon nito na bisitahin niya ang nasabing bansa, sabay sabing, “it feels like home.”

“You’ve welcomed us so warmly and we have felt the willingness of Indonesia to go into partnership with the Philippines and to strengthen the partnership that we are going to celebrate… the 75th year in two years time and I think it is one of the longest, that diplomatic relations,” ayon kay Pangulong  Marcos.

“We thank you once again for the openness with which you have received us, and the openness with which the willingness that you have shown to strengthen that relationship between the Philippines and Indonesia which is our hope and it is what we are going to be working for,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Nauna rito, mainit na tinanggap  nina President Jokowi at asawa nito na si  Iriana Joko Widodo  si Pangulong  Marcos at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos sa Istana Bogor (Bogor Palace).

Nagkamay ang dalawang lider habang binigyan naman ng bulaklak ni Iriana  si Unang Ginang Marcos.

Matapos kantahin ang  Philippine National Anthem at Indonesia Raya,  nagbigay naman ng pagbati ang ilang  Indonesian officials. Si Pangulong  Marcos  ay nakasuot ng barong Tagalog  habang ang kanyang asawa ay nakasuot ng Filipiniana terno.

Samantala, ipinakilala naman ni Pangulong Marcos kay President Jokowi ang ilang  high-ranking officials na bahagi ng  Philippine delegation,  kabilang na si Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Trade Secretary Alfredo Pascual, Ilocos Representative Ferdinand Alexander Marcos, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at Finance Secretary Benjamin Diokno.

Matapos ito, lumagda si Pangulong Marcos sa guestbook sa Presidential Palace ng Indonesia.

Kabilang naman sa mga aktibidad ng Pangulo sa kanyang state visit sa Istana Bogor ay ang  veranda talks at tree planting kung saan nagtanim si Pangulong Marcos ng  Pohon Kayu Ulin.

Kapansin-pansin naman na may ilang  heads of state  ang nagtanim din ng puno sa Istana Bogor kabilang na ang mga lider ng Germany, Japan, China, Denmark, Timor Leste, at Australia. Kris Jose