PBBM makikipagpulong sa 10 European leaders sa ASEAN-EU Summit

PBBM makikipagpulong sa 10 European leaders sa ASEAN-EU Summit

December 10, 2022 @ 10:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magkakaooon ng bilateral talks si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 10 state leaders mula sa European Union para palakasin ang ugnayan ng Pilipinas sa Western world.

Sinabi ni DFA Assistant Secretary for ASEAN Affairs Daniel Espiritu sa pre-departure press briefing sa Malakanyang na ang mga lider ng bansa na nakatakdang kausapin ng Pangulo ay mula sa Belgium, Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, The Netherlands at European Union.

“Marcos will conduct these extensive meetings at the sidelines of his three-day participation at the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-European Union (EU) Summit in Belgium starting December 12,” ayon kay Espiritu.

At dahil ang Pilipinas ang kasalukuyang coordinator sa pagitan ng ASEAN at EU, uupo si Pangulong Marcos kasama ang EU leader para pag-usapan ang “preparations and the way forward” ukol relasyon sa pagitan ng dalawang regional blocs.

“This might include the pending free trade agreement particularly between the Philippines and the EU,” dagdag na pahayag ni Espiritu.

Samantala, umaasa naman si Espiritu na ang unang partisipasyon ni Pangulong Marcos sa summit sa pagitan ng dalawang regional blocs “will redound to a lot of benefits for the Filipino people, not only for ASEAN.” Kris Jose