PBBM, masama ang loob sa sugar importation mess

PBBM, masama ang loob sa sugar importation mess

August 13, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Masama ang loob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga nangyari sa loob ng Sugar Regulatory Administration makaraang lumabas na ” illegal” ang resolusyon para makapag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-i Angeles na lumalabas kasi na tila gustong i-mislead ng SRA officials si Pangulong Marcos.

Gayunman, patuloy na binabalanse ni Pangulong Marcos ang lahat dahil may ibang mga bagay pa itong dapat ding tutukan.

Aniya, nanatiling objective at patas ang Chief Executive kaya hinahayaan niyang gumulong ang imbestigasyon sa naturang usapin nang hindi ito nakikialam.

At habang gumugulong ang imbestigasyon sa nasabing isyu ay abala naman ang Punong Ehekutibo sa iba nitong trabaho bilang lider ng bansa.

Napag-alaman na una nang inanunsiyo ni Cruz- Angeles ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Malakanyang sa lumabas na resolusyon para makapag-angkat ng libo-libong metriko tonelada ng asukal gayung wala pala itong basbas mula kay Pangulong Marcos. Kris Jose