PBBM may 5 kautusan sa BOC

PBBM may 5 kautusan sa BOC

July 26, 2022 @ 7:39 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Binigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng marching orders si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Yogi Filemon Ruiz para tugunan ang limang usapin na kinahaharap ngayon ng ahensiya.

“Five orders that are my marching orders. Number one, no drugs, absolutely no drugs. Number two, no guns. Number three, eliminate agricultural smuggling. Number four, increase revenue generation. Number five, go full automation and digitalization,” ayon kay Ruiz.

Bago siya italaga bilang commissioner, si Ruiz ay pinuno ng Enforcement and Security Service (ESS) ng ahensiya ng mahigit sa limang taon simula ng 2017.

Pinangunahan din nito ang ilang enforcement projects at hinawakan ang operasyon na nakapag-ambag sa pinaigting na anti-smuggling campaign.

Sinabi ni Ruiz na kilala niya ang kanyang mga kasamahan at situwasyon sa loob ng ahensiya.

Hndi naman siya mag-aalinlangan na parusahan ang mga tiwaling empleyado.

“I am not here to please anyone. Kung may masaktan pasensya , I’m sorry, I only need to please one and that is the President,” ayon kay Ruiz.

Nagbigay naman si Ruiz ng monthly revenue target para sa district collectors at ang mga mabibigo na magawa Ito ay sisibakin sa tungkulin. Kris Jose