PBBM may mensahe sa mga mananampalataya sa feast of Immaculate Conception

PBBM may mensahe sa mga mananampalataya sa feast of Immaculate Conception

December 8, 2022 @ 9:27 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga katolikong mananampalataya sa pagdiriwang ng Solemnity of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary o Immaculate Conception Day, ngayong araw ng Miyerkules, Disyembre 8, 2022.

“As we honor the patroness of our country and rejoice in the revelry of this celebrated feast, may we remind ourselves to revisit our reason for being and search for our vocation in the spirit of unconditional obedience and abiding love. I trust that no matter how uncertain the days ahead remain, we will soon understand the will of God and the purpose behind the journeys that we have only walked in faith,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo.

Sa panahon aniya ng kahirapan at tagumpay, mapagkumbabang sumasamo ang lahat sa patnubay mula sa Diyos lalo na kapag napagtagumpayan o nalagpasan na ang limitasyon, kahinaan at kamalian.

“Like Mary, may we also strive to resign from our individualistic tendencies and aspire to generously give ourselves without expecting anything in return. In the end, what we can bring into our everlasting home are those we cherish deep in our hearts, not the possessions we canly only hold in our hands,” ayon sa Pangulo.

Sa pagpayag aniya ng bawat isa na ang ibinahaging karanasan ang humubog sa kasaysayan at akayin na makamit ang aspirasyon ng bansa, sinabi ng Pangulo na “let us place our confidence in the Almighty and put our trust in one another. In the intersection of these things, we will certainly learn where t hold on and gain greater courage. Together, let us gracefully anticipate the promises of a brighter and more comfortable future as we work hard and pray for guidance so that we can march onwards the road of progress to ensure a better future for our families, neighbors, and all Filipinos.”

Umaasa ang Pangulo na ang lahat ay magkakaroon ng makahulugan at mapayapang pagdiriwang ngayong araw ng “Immaculate Conception Day.” Kris Jose