PBBM, may paalala sa militar

PBBM, may paalala sa militar

February 7, 2023 @ 8:31 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang militar na pagyamanin ang ugnayan habang ang sitwasyon sa mundo ay mas nagiging kumplikado.

Ito ang naging bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos sa  oath-taking ceremony ng generals and flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Palasyo ng Malakanyang.

“We, therefore, have to be more agile in our responses not only in the military area but also in diplomacy, also in geopolitical negotiations, and in our partnerships that we foster with our friends and allies around the world,” ayon sa Pangulo.

Nais ng Pangulo na palakasin ang kolaborasyon ng bansa sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kaalyado, partners, at at iba pang  stakeholders para pangalagaan at isulong ang national interest ng bansa sa gitna ng tensyon at mga hamon.

Ang papel ng AFP at mga commanders, ayon sa Pangulo ay lubhang nagbago kaya naman may pangangailangan na ipagpatuloy ang  pananatili nito.

“Not only has the situation – the geopolitical situation become more complex, even the method of warfighting has become more complex with the new technologies, with the new capabilities that have become available to us,” ayon sa Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na ito ang dahilan kung bakit dapat tiyakin ng militar  “how to use the tools that are given us to the best effect for the national interest.”

Samantala, pinuri naman ng Pangulo ang AFP at nagpaabot ng pagbati sa mga bagong promote na generals at flag officers. Kris Jose