PBBM may regalo sa mga magsasaka; 1-year moratorium sa utang, interes pinirmahan

PBBM may regalo sa mga magsasaka; 1-year moratorium sa utang, interes pinirmahan

September 13, 2022 @ 11:42 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kautusang nagpapataw ng isang taon na moratorium sa pagbabayad ng amortization at interes sa mga pautang ng mga benepisyaryo ng agrarian reform, base sa anunsyo ng Department of Agrarian Reform (DAR) ngayong Martes.

Saklaw ng executive order ang pagbabayad ng amortization fees at loan interests para sa mga lupang agrikultural na ipinamahagi ng gobyerno sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Ang nasabing hakbang ay isang katuparan sa isa sa mga pangako ni Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address noong Hulyo.

Sinabi ni DAR Secretary Conrado Estrella III na ang nilagdaang utos ay bilang paghahanda para sa Kongreso na magpasa ng isang batas para ilibre na ang mga hindi nabayarang amortisasyon at interes sa pautang sa mga benepisyaryo.

“We always think about the farmers’ welfare. The one-year moratorium and condonation of farmers’ loan payment will lead to freedom of farmers from debts,” dagdag pa ni Estrella.

Nauna nang hinimok ni Marcos ang Kongreso na amyendahan ang seksyon 26 ng Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988 para palayain ang mahigit 654,000 benepisyaryo mula sa utang na utang sa repormang agraryo na mahigit ₱58 bilyon. RNT