PBBM may ‘secret go signal’ sa Chacha – Rep. Lagman

PBBM may ‘secret go signal’ sa Chacha – Rep. Lagman

February 21, 2023 @ 6:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naniniwala si Albay Rep. Edcel Lagman na patagong sang-ayon si Pangulong Bongbong Marcos sa mga kongresista para sa pagsusulong ng Charter Change ngayong 19th Congress sa kabila ng nauna nitong pahayag na hindi prayoridad ng Marcos Administration ang pagbabago sa Saligang Batas.

“There must be an overwhelming furtive reason why the Cha-cha caravan is rolling fast in the House of Representatives despite President Marcos’ avowal that Charter change is not in his priority agenda,” paliwanag ni Lagman.

“Perhaps, it is because the President must have given his covert assent to Cha-cha even as he appears to be distancing himself from it,” dagdag pa nito.

Matatandaan na inaprubahan na ng House Committee on Constitutional Amendments ang committee report para sa pagsusulong ng Constitutional convention (con-con) bilang paraan ng pagbabago ng Konstitusyon.

Kasunod ng pagpasa sa committee level ay ang deliberasyon sa Kamara. Gail Mendoza