PBBM: Myanmar nais sipain sa ASEAN ng ilang lider

PBBM: Myanmar nais sipain sa ASEAN ng ilang lider

November 14, 2022 @ 9:48 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Ibinuking ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na may ilang ASEAN member states ang nais na alisin na ang  Myanmar mula sa regional organization.

Nangangamba kasi  aniya ang maraming ASEAN heads of state sa peace situation sa Myanmar.

“Actually ang main worry ng marami sa mga leaders is Myanmar. That the Five-Point [Consensus] that they had agreed with ASEAN—that Myanmar had agreed with ASEAN, eh hindi nasusunod. Anong gagawin natin?” ayon kay Pangulong Marcos.

“And that was a little contentious. Kasi may mga bansa, sabi nila, basta tanggalin na natin ang Myanmar sa ASEAN. O basta’t huwag nating imbitahin at all. Mayroon naman nagsasabi na hindi huwag lang ‘yung mga nasa taas, pero ‘yung sa ilalim kailangan pa rin natin kausapin ‘yan. Meron naman, tayo ‘yun,” dagdag na wika nito.

Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na dapat lamang mapakinggan ang lahat ng partido.

“Sinabi ko, kausapin natin lahat. Kausapin pati ‘yung nasa position, pati ‘yung nasa nakaupo, pati ‘yung naka—kahit naman sino na interesado dapat kausapin natin o pag-usapin natin. So that was—all of us came down on different—slightly different positions along the entire spectrum of completely kicking out Myanmar from ASEAN and for engaging them fully,” aniya pa rin.

“Nobody wanted to engage the generals. Nobody wanted to engage the high-level officials. But there are certain—iba-ibang level of engagement ang kanilang ina-ano, ang kanilang sinasabi,”  ayon sa Punong Ehekutibo.

Samantala, nanawagan naman si Pangulong Marcos para sa mabilisang implementasyon ng  Five-Point Consensus upang tugunan ang peace situation at krisis sa  Myanmar. Kris Jose