PBBM nababagalan sa pamamahagi ng nat’l ID

PBBM nababagalan sa pamamahagi ng nat’l ID

June 21, 2022 @ 9:33 AM 5 days ago


MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni President-elect Bongbong Marcos noong Lunes, Hunyo 20 ang pangangailangang mapabilis ang pagpapalabas ng mga national identification card (ID) sa mga Pilipino.

Sinabi ni Marcos, sa isang impromptu press briefing sa kanyang punong-tanggapansa Mandaluyong City, na nakita niyang “kulang” ang kasalukuyang bilis ng pag-iisyu ng mga national ID.

“Because, right now, we’re, I think we’re up to 12 million. Is that the correct number? Yeah, we’re up to 12 million, kulang na kulang pa yun (that is very lacking), and all of these things,” aniya sa mga reporter.

Giit ni Marcos na kaya gusto niya pabilisin ang pamamahagi ng nasabing mga ID ay dahil mas mapabibilis nito ang pamamahagi ng ayuda.

Ang 12 milyong Pinoy ay halos 10 porsyento ng populasyon ng bansa.

“Things like the giving of the ayuda, all of these things that we are trying for, going to digitize the bureaucracy…Having their national ID and [it’s] a good database for the government that the government should have,” aniya pa. RNT