PBBM, nag-iingat lang: Pinas, ‘di dapat lumabas na ‘provocative’ sa VFA sa Japan

PBBM, nag-iingat lang: Pinas, ‘di dapat lumabas na ‘provocative’ sa VFA sa Japan

February 13, 2023 @ 9:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sakali’t matuloy ang pagbuo ng Visiting Forces Agreement (VFA) kasama ang  Japan kahalintulad ng sa Estados Unidos, ang kasunduan na magiging pasaporte para payagan ang tropa ng mga Hapon para magsagawa ng  military exercises at exchanges  sa armed forces ng Pilipinas ay hindi mag-uudyok at magiging ugat ng tensyon sa  China.

“I think in general if it will be of help to the Philippines in terms of protecting, for example our fishermen, protecting our maritime territory, if it’s going to help, then that—if the results of our own study, siyempre pag-aaralan pa natin ‘yan eh kung talagang makakatulong. If kung talagang makakatulong, I don’t see why we should not adopt it,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

“Now there is also the—we have to be careful also because we do not want to appear provocative. Parang imbes na pinapakalma natin ang sitwasyon sa South China Sea ay ginagawa natin mas magiging mainit, ‘di ba. That’s not what we want,” ang dagdag na wika ng Pangulo.

Aniya, ” very briefly” lamang ang naging pag-uusap nila ni  Japan Prime Minister Fumio Kishida sa posibleng VFA sa pagitan ng dalawang Asian country.

“[T]hat’s all under study… it depends really on the Philippines if we want to go and accelerate the joint [exercises], what we have already. Mayroon tayong agreement diyan. That’s why we have exercises together… Binigyan tayo ng barko ng Japanese para sa Coast Guard para tulungan din ‘yung ating pagbantay,” aniya pa rin.

Taong 2015,  pumasok ang Japan at Pilipinas sa “defense cooperation at exchanges agreement,” pinapayagan ang  Japanese troops  na magsagawa lamang  ng humanitarian assistance at disaster response exercises at training exchanges sa pagitan ng mga sundalo ng Japan at Pilipinas.

Mayroon ding kasunduan ang dalawang bansa na payagan ang paglilipat ng  Japanese military equipment sa  Armed Forces of the Philippines.

Samantala, kapuwa naman lumagda ang Pilipinas at Estados Unidos sa VFA noong 1998,  pinapayagan ang tropa ng mga Amerikano na magsagawa ng  military exercises sa bansa,  karagdagan sa 1951 Mutual Defense Treaty kung saan ang Estados Unidos ay committed na tulungan ang Pilipinas sa oras na atakihin ito.

“Ang iniisip ko lang ay ‘yung ating mga fishermen kailangan maprotektahan, kailangan maliwanag na tayo sa Pilipinas talagang we are patrolling our waters and making sure that it is well-recognized na ‘yan ang talagang territory talaga ng—maritime territory talaga ng Pilipinas ‘yan,” ayon sa Pangulo.

“That’s the intent. As long as we—if we can achieve that, if it is appropriate, if it does not constitute the danger of increasing tensions, then it might be useful for the Philippines,” aniya pa rin.

Aniya pa, may panukala ang Japan ng ilang improvement sa Subic, partikular na ang pagtatayo ng  pasilidad para sa Philippine Coast Guard.

“But the problem is that again it cannot be considered as you will know a foreign base. So we will still have to finalize the details on how they want to do it. And kung agreeable tayo, ‘di ‘yun ang gugustuhin natin,” ayon sa Pangulo. Kris Jose