PBBM, nagdalamhati sa pagpanaw ng kanyang distant uncle FVR

PBBM, nagdalamhati sa pagpanaw ng kanyang distant uncle FVR

August 1, 2022 @ 10:53 AM 7 days ago


MANILA, Philippines – Kasalukuyang nagdadalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagpanaw ng kanyang “distant uncle” na si dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Sa kanyang official Facebook page, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos sa pamilya Ramos.

“I extend my deepest condolences to the family of former President Fidel Valdez Ramos who passed away today, having lived a full life as a military officer and public servant,” ayon Kay Pangulong Marcos.

Si Ramos, second cousin ng ama ni Pangulong Marcos, dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“Our family shares the Filipino people’s grief on this sad day. We did not only lose a good leader but also a member of the family,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

Nakiisa naman si Pangulong Marcos sa sambayanang Filipino sa pagdarasal sa kaluluwa ni FVR.

“The legacy of his presidency will always be cherished and will be forever enshrined in the hearts of our grateful nation,” aniya pa rin.

Nauna rito, kinumpirma naman ng pamilya Ramos ang pagpanaw ni FVR.

“The Ramos family is profoundly saddened to announce the passing of former President Fidel Valdez Ramos.  We thank you all for respecting our privacy, as the family takes some time to grieve together,” ayon sa kalatas na ipinalabas ng pamilya Ramos.

Nagpahayag naman ng matinding kalungkutan si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpanaw ni FVR.

“I am one with his wife, Ming, his family, his friends, and the entire Filipino people in mourning the death of a great statesman, mentor, and friend,” ayon kay Duterte sabay sabing “As we grieve his loss, let us honor his legacy of service and his significant contributions to the country. May God grant eternal repose on his soul and give strength and solace to all of his bereaved.” Kris jose