PBBM nagpaabot ng pagbati sa bagong Malaysian PM

PBBM nagpaabot ng pagbati sa bagong Malaysian PM

November 25, 2022 @ 4:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay  Malaysian perennial opposition leader Anwar Ibrahim matapos na manumpa ito bilang prime minister ng Malaysia.

Umaasa naman si Pangulong Marcos na ang liderato ni Anwar ay makapagbibigay ng katatagan hindi lamang sa Malaysia kundi sa buong rehiyon.

“I would like to congratulate my good friend Anwar Ibrahim on his election as Prime Minister of Malaysia. I look forward to the stability that his leadership will provide Malaysia and the region,”  ayon kay Pangulong Marcos sa isang kalatas.

“My personal and official congratulations!” dagdag na wika nito.

Sa ulat, pinangalanan si Malaysian opposition leader Anwar Ibrahim bilang prime minister, ayon sa Palasyo nitong Huwebes, Nobyembre 24 matapos ang ilang araw na political impasse kasunod ng magulong resulta ng eleksyon.

“After taking into consideration the views of Their Royal Highnesses the Malay Rulers, His Majesty has given consent to appoint Anwar Ibrahim as the 10th Prime Minister of Malaysia,” ayon sa pahayag.

Sa weekend election, nakamit ng Pakatan Harapan (Alliance of Hope) coalition ni Anwar ang mayorya sa mga pwesto, 82– subalit kapos sa rekisitos na 112-seat majority.

Nakuha naman ng Perikatan Nasional (National Alliance) bloc ni dating prime minister Muhyiddin Yassin ang 73.

Sinabi naman ni Muhyiddin, na suportado ng Islamist party, na dahil walang bloc ang may sapat na bilang, inisyal na hiniling ng hari sa kanila ni Anwar na bumuo ng “unity government”.

Ipinatawag naman ng hari ng Malaysia na si Sultan Abdullah Ahmad Shah, ang dalawnag magkaribal upang pagkasunduin ang mga ito. Kris Jose