PBBM nagpahiwatig: Sandro, baka mag-state visit din

PBBM nagpahiwatig: Sandro, baka mag-state visit din

September 12, 2022 @ 7:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- “Malay natin, baka mag-state visit din siya!”

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa kanyang vlog na pinost, araw ng Linggo, tinutukoy ang kanyang anak na si Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos nang mapag-usapan ang kanyang kamakailan lamang na state visit sa mga bansang Indonesia at Singapore.

Ibinahagi ng Pangulo ang posibilidad na  gawin din ng kanyang panganay na anak ang kanyang mga ginagawa sa hinaharap.

“Sa palagay ko, si Sandro ngayon ay nanonood din. Eh malay natin, baka mag-state visit din siya, alam na niya ang gagawin niya,” ayon kay Pangulong Marcos.

Kasama kasi si Sandro, batang Marcos, 28, Unang Ginang  Liza Araneta-Marcos, House Speaker Martin Romualdez, at ilang opisyal na government delegation, ng Pangulo noong Sept. 4-6 state visit  sa  Indonesia, at Sept. 6-7 state visit sa Singapore.

Nakita si Sandro  na kasama ang kanyang ama na si Pangulong Marcos, Finance Secretary Benjamin Diokno, and Foreign Secretary Enrique Manalo,  sa isinagawang miting kasama si Indonesian President Joko Widodo noong Setyembre  5.

Present din siya sa ‘breakfast’  na  ang nagsilbing host ay  si  Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong noong Setyembre  7.

Sinabi ni Pangulong Marcos, maging siya ay natuto rin sa kanyang ama, ang namayapa at dating Pangulong President Ferdinand Marcos Sr. sa pagsama-sama niya rito sa mga state visit.

Ang matandang Marcos ay naging Pangulo ng Pilipinas mula Disyembre 1965 hanggang Pebrero  1986.

“Alaalang alaala ko ‘yung mga pagpunta sa state visit dahil kahit bata pa kami ay isinasama na kami. At nakikita ko, ganito pala ang patakbo ng state visit,” dagdag na pahayag nito.

“Kaya pagpunta ko naman sa aking sariling state visit, eh parang alam ko na kung anong gagawin, alam ko na kung anong sistema,” aniya pa rin.

Matatandaang sinabi ni historian Manuel “Manolo” Quezon III  na ang state visit ay isa at pinakamataas sa tatlong uri ng official trips abroad  ng isang Pangulo.

“For a state state visit, it’s the country that’s inviting the president who pays for everything, from your transportation, to your accommodation, and all the things that come with a state visit, from the red carpet, to the military review, to the state dinner. It’s very formal but it’s also meant to be the highest compliment and the highest symbol of friendship between two countries,” ayon kay Quezon  noong 2016.

Ang dalawa pa ani Quezon ay official visit at working visit.

Ibinahagi din ni Pangulong Marcos sa kanyang vlog  ang mabungang  state visits  niya sa Indonesia at Singapore na nagresulta ng “pledges of investments” mula sa mga negosyante.

Inalala din niya ang kanyang naging pagpupulong sa  Filipino community sa dalawang Southeast Asian countries.

“At dahil hindi tayo nakapagkampanya sa labas ng bansa bago noong halalan, eh sabik na sabik ang ating pagtatagpo at pagtitipon ng ating mga FilCom events,” ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose