PBBM nagpaliwanag sa pananatili bilang DA chief

PBBM nagpaliwanag sa pananatili bilang DA chief

January 24, 2023 @ 9:10 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginagamit niya ang kanyang pagiging Pangulo habang siya ang Kalihim ng Department of Agriculture.

Nilinaw ng Pangulo, sa DA, marami siyang mga bagay na maaaring gawin agad-agad.

Kung mayroon naman aniyang tatayong Kalihim ay magagawa naman aniya subalit  matagal at marami pang diskusyon.

“The President they cannot say no to. And ‘pag hindi nila ginawa ‘yung utos ko, puwede kong sitahin,”  dagdag na wika nito.

“So that’s what I bring to the position is that when I make a decision, I say this is what we need to do, this is the plan, every one of you follow this plan, you do this, you will do that,” aniya pa rin.

“Kailangan masunod ‘yun. And if not, then… I can chastise them, I can move them aside, push them into other positions, etc.,” dagdag na wika ito.

“Generally speaking, if the President asked you to do something, they’ll do it. If there’s somebody else to do it, they may do it. They’ll probably do it but they may not. So we want to take that wiggle room out of… out of that system,” ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose