PBBM, NAGPAMALAS NG ANGKING GALING SA NEGOSASYON

PBBM, NAGPAMALAS NG ANGKING GALING SA NEGOSASYON

January 9, 2023 @ 1:17 PM 4 weeks ago


MARAMING positibong bagay ang naganap sa pinakahuling pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa China kung saan kabilang dito ang kasunduan kaugnay sa pagpapalakas ng relasyong pang ekonomiya at oil exploration sa bansa.

Napapanahon ang mga hakbang na itong ang pagpapanatili ng katiwasayan at kaayusan sa Asia-Pacific region ang tanging isinaalang-alang sa pag-uusap ng dalawang bansa sa gitna ng tensyong nagaganap dulot ng paglipana ng mga dambuhalang barko ng China sa West Philippine Sea na binabatikos naman ng mga kababayan bunsod sa pinalalayas ang mga mangingisda natin dito.

Bagaman dati nang binuhusan ng China ng iba’t-ibang ayudang pang ekonomiya ang bansa subalit ipinamalas ni PBBM ang angking kagalingan at katalinuhan  sa larangan ng negosasyon sa pamamagitan ng pag-prangka sa Chinese lider na si Xi Jinping na kailangang makapangisda ang mga kababayan sa WPS sa kabila ng mahigpit na pagbabantay dito ng puwersa armado ng Tsinoy.

Ito lang naman ang hinihingi noon ng mga maritime expert sa dating administrasyon na kailangang iparating sa gobyerno ng China na may karapatan makapangisda sa WPS ang mga kababayan bunsod sa nasa loob ito ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

Batid ng taumbayan na pinaninindigan lang ni PBBM ang karapatan ng bansa sa WPS sa pamamagitan nang pag-depensa ng mga mangingisda na naglalayag sa inaangkin ng China na karagatan at hindi naman pakikipaggiyera sa superpower na bansa.

Naging kahanga-hanga rin ang ginawang hakbang ni PBBM na pag-usapan sa state visit ang joint exploration ng oil sa kabila nang naunang pahayag ng ating Pangulo na sisimulan niya na ito kahit walang kasunduang maganap sa gitna ng dalawang bansa.

Mahusay sa pakikipag-usap si PBBM dahil kinumbinsi ang China na joint exploration ang dapat isagawa upang maiwasan ang agawan ng dalawang bansa ngunit matapang din ang ating Pangulo dahil kaya nitong isagawa ang paghahanap ng langis kahit pa walang kasunduang mangyari.

Higit sa lahat,nakumbinsi ni PBBM si Xi Jinping na resolbahin ang suliranin ng mga kababayang nangingisda sa WPS kasabay sa pangako ng huli na hahanapan ito ng solusyon upang tuluyan nang makapag-hanapbuhay sa inaangking karagatan, ang mga Pinoy ng walang banta sa seguridad nila.

Anomang puna o suhestiyon itex sa 09999388537/email [email protected]