PBBM, nagpasaklolo sa media sa pagpapakalat ng gov’t efforts sa publiko

PBBM, nagpasaklolo sa media sa pagpapakalat ng gov’t efforts sa publiko

November 27, 2022 @ 8:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpasaklolo na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mamamahayag sa bansa na tulungan ang gobyerno na ipaabot sa publiko ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan.

Ang panawagan ng Pangulo ay itinaon sa oath taking ceremony ng mga opisyal ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Sabado, Nobyembre 26 kung saan kanya itong pinangasiwaan.

Sa nasabing event, kinilala ng Pangulo ang mahalagang papel at gampanin ng media sa lipunan.

Nangako rin ang Punong Ehekutibo na paninindigan at poprotektahan niya ang karagatan ng mga ito, na aniya’y matagal na niyang ginagawa simula nang maupo siya sa kanyang posisyon bilang halal na Pangulo ng Pilipinas. Kris Jose