PBBM nagpasaklolo sa Saudi sa oil crisis

PBBM nagpasaklolo sa Saudi sa oil crisis

November 19, 2022 @ 2:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hihingi ng tulong si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. mula sa Saudi Arabia sa gitna ng krisis sa langis.

Gagayahin lamang nito ang tulong ng Saudi Arabia sa Pilipinas noong taong 1970.

Sa idinaos na bilateral meeting sa sidelines sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), pinag-usapan nina Pangulong Marcos at crown prince ng Saudi Arabia na si Mohammed bin Salman ang tungkol sa enerhiya at petroleum.

“Napag-usapan namin ang energy, at dahil alam naman natin na ang largest producer ng petroleum sa buong mundo ay Saudi Arabia at tinulungan tayo ng Saudi Arabia nung ‘70s and ‘80s nung nagkaka-oil crisis kaya’t baka sakali naman ay tayo maaring makiusap muli na tulungan ulit tayo,” ayon kay Pangulong Marcos.

Looking forward naman si Pangulong Marcos na mag- host ng pagbisita ng Saudi Arabian leader sa Pilipinas para talakayin dito ang iba’t ibang isyu at mga bagay na dapat pagtulungan.

“That would be very good kung makabisita sa atin si Crown Prince at hindi lamang tungkol sa mga labor, pati na yung mga investments na pwede nating gawin,” ayon sa Pangulo. Kris Jose