PBBM nagpasalamat sa mga atletang Pilipino sa naging courtesy call in EJ Obiena

PBBM nagpasalamat sa mga atletang Pilipino sa naging courtesy call in EJ Obiena

October 14, 2022 @ 8:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bumisita ang top pole-vaulter na si Ernest John Obiena ay sa Malacanang Palace at iniharap ang 2022 World Athletics Championships Pole Vault Bronze medal na kanyang napanalunan noong Hulyo kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa isang courtesy call ngayong araw.

Kasama ni Obiena sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Jose Emmanuel “Noli” M. Eala, Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) President Terry Capistrano at PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy, Jr.

Ikinatuwa ng Pangulo ang mga nagawa nina Obiena at mga atletang Pilipino na patuloy na nag-aangat sa diwa ng bansa sa kanilang mga tagumpay.

“You inspire young people to go down that road. I think that is the greatest tribute and service that you can give to our country – it is to bring honor to the Philippines,” ani Marcos, na nagsabi na “sa sport, kapag nag -champion ang isang atleta, walang downside yan, puro maganda. Maganda ang lahat ng lumabas sa iyong pagkapanalo. Lahat ay mabuti.”

Sinabi ni Eala na ang Pangulo ay isang tunay na sportsman at ipinakita ang kanyang pagmamahal sa isports sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na tagubilin upang “tulungan ang ating mga atleta dahil ang kanilang ginagawa ay mahalaga sa ating bansa” kung saan sinabi ng hepe ng PSC na “Salamat Mr. President” sa kanyang maikling tweet pagkatapos lang ng meeting. Ipinakita ni Marcos ang kanyang pagpapahalaga sa sports sa pamamagitan ng personal na pagbati sa ating mga atleta kapag kaya niya o pagsaludo sa kanilang mga panalo sa kanyang mga social media account.

“Hindi naman nangyayari ito last week lang, mananalo agad eh. Matagal  ang proseso nito, and andyan yung support group na tumutulong sa iyo. To all of you who also had sacrifices for this success, the country thanks all of you” wika ni Marcos sa kanyang maikling talumpati sa pagbisita ni Obiena.

Kasama rin sa pagtanggap kay Obiena sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Presidential Management Staff Secretary Naida Angping.RICO NAVARRO