PBBM nagpasalamat sa US sa tulong noong pandemya

PBBM nagpasalamat sa US sa tulong noong pandemya

September 23, 2022 @ 1:57 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Estados Unidos para sa napakalaking tulong ng bansa noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sinabi niya nang magkaroon sila ng kauna-unahang face-to-face meeting ni US President Joe Biden sa New York City, kung saan pinag-usapan ng dalawang lider ang pagpapalakas sa longstanding alliance ng Maynila at Washington.

“Again, we would like to thank the United States for the massive help that we received during the pandemic. We had the provision of up to 35 — almost 36 million doses of vaccines very early on, ahead of some of the other countries. And for that, we are very, very grateful,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Biden.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos ang tungkulin ng Estados Unidos na panatilihin ang kapayapaan sa rehiyon.

“But the role of the United States in maintaining the peace in our region is something that is much appreciated by all the countries in the regions and the Philippines especially,” ayon sa Punong Ehekutibo sabay sabing “We continue to look to the United States for that continuing partnership and the maintenance of peace in our region.”

Sinabi naman ni Biden na matatag ang pundasyon ng U.S.-Philippines alliance na napakaimportante.

“And we have strong ties, including millions of Filipino Americans who are very proud of their ancestry and desperately want us to continue to have a strong relationship,” ayon kay Biden sabay sabing “For decades, the alliance has strengthened both of us, I believe.”

Nagpulong sina Pangulong Marcos at Biden sa sidelines ng United Nations General Assembly, kung saan inilahad ang “rich-poor divide” at nananawagan ng aksyon para sa “inequality at climate change.” Kris Jose