PBBM nagpatawag ng pulong sa ibinentang imported na sibuyas na P180-P200 kada kilo

PBBM nagpatawag ng pulong sa ibinentang imported na sibuyas na P180-P200 kada kilo

January 27, 2023 @ 9:49 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpatawag ng meeting si Panglong  Ferdinand Marcos Jr. kasama ang mga stakeholder matapos na mapag-alaman ng Department of Agriculture na ibinebenta ang mga imported onions sa halagang P180 hanggang P200 kada  kilo.

Hangad ng DA na maibenta ng P170 kada kilo ang mga sibuyas ngayong 2023, kahit pa sa ilang buwan ay maibenta ito ng P80 kada kilo.

“The President has ordered a stakeholders’ meeting on Monday with importers, traders, retailers, and farmers to discuss the price since the DA price monitoring team saw imported onions being sold at P180 – 200 per kg,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil.

Nauna rito, sinabi ng Bureau of Plant Industry na dumating na sa bansa ang mga sibuyas na inangkat  ng pamahalaan.

Dahil dito, inaasahan na bababa na ang presyo ng sibuyas dahil sa pagtaas ng suplay nito.

Sa ulat, may ilan naman ang nananatiling umaasa na ang naging anunsyo ng DA na bababa ang presyo ng sibuyas sa P80 kada kilo ay mangyayari rin.

Matatandaang, nagbigay ng go-signal ang DA para sa importasyon ng 21,060 metriko tonelada ng sibuyas para punan ang supply gap at mapigil ang patuloy na pagsirit ng presyo ng kalakal sa merkado.

Ang dami ng kalakal na pinayagan para sa importasyon ay “Fresh yellow onion – 3,960 metric tons at Fresh red onion – 17,100 metric tons.”

Samantala, binigyan naman ng hanggang Enero 27, 2023 ang mga licensed importers para sa kanilang shipments para dumating sa bansa. Kris Jose