Sports Heroes Burial sa Libingan ng mga Bayani ipinanukala

August 18, 2022 @4:02 PM
Views:
0
MANILA, Philippines – Isinisulong ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na mabigyan ng heroes burial at mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang mga sports heroes ng bansa.
Sa inihaing House Bill 3716 ni Barbers iginiit nito na nararapat lamang na bigyang pagkilala ng bansa ang malaking kontribusyon ng mga atleta.
“Filipino sports icons have this amazing, unique way of making a positive impact in our society. They are our source of inspiration and strength in direst situations and serve as good role models, especially to the youth. With their incredible achievements that brought honor to our country, they deserve a spot at the Libingan ng mga Bayani,” ayon kay Barbers.
Sa ilalim ng panukala ang tinuturing na “Sports Heroes” ay ang mga atleta na nakapagbigay ng malaking honor sa bansa gaya ng nakapanalo ng gold medal sa Southeast Asian Games, silver medal sa Asian Games o Asian Cup o kahit naka-bronze medal sa Olympic o World Games o isang world champion sa anumang professional sports competition.
Ang panukala ni Barbers ay kasunud na rin ng pagkamatay ni sprint queen Lydia de Vega.
“I hope that it is not too late to honor our sports heroes like Lydia de Vega. This measure is but a token of gratitude that we all enormously owe her and our other unsung sports heroes” giit pa ni Barbers. Gail Mendoza
Mahigit P2M halaga ng shabu nasamsam sa buy bust sa Maynila

August 18, 2022 @4:01 PM
Views:
1
MANILA, Philippines – Tinatayang mahigit sa P2 milyon halaga ng shabu ang nassamsam at pagkakaaresto sa dalawang hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation sa Malate, Maynila Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na si Joel Gan Jr y Figueroa, alias Nick, 28, binata ng 0906 Honorato Romero Street, Tanza, Cavite na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 at R.A. 10591(Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Michaela Malto y Bautists, 26 ng, dalaga, isang waitress ng 2186 Zafiro Diamante, San Andres Bukid, Manila na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11, Article ll ng Republic Act 9165
Sa ulat, dakong alas-10:40 ng gabi nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng Station Drugs Enforcement Unit, sa pangunguna ni PLT Josephus Melpaz sa San Andres St corner Osmena Highway Malate Maynila na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakuha sa kanila ang 375 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P2,536,000, sling bag, 3 sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre 38 na baril, bala, hiolster at buy bust money.
Ang mga naarestong suspek ay nakakulong sa Malate Police Station (PS-9) Custodial
Facility habang inihahanda ang kaukulang kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Interest rates tataas ng 3.75% ayon sa BSP

August 18, 2022 @3:58 PM
Views:
4
MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas ngayong hapon, Agosto 18 na magtataas ito ng interest rate ng halos 3.75%.
Ito ay upang malabanan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado.
Ang 50-basis point rate hike ay lumabas matapos ang 75-basis off-cycle increase ng Monetary Board noong Hulyo.
Nangangahulugan ang mas mataas na interest rate ay mas magiging mataas rin ang ipapatong na kabayaran sa uutanging salapi at dahil dito ay mas pipiliin na lamang umano ng mga konsumidores na huwag gumastos.
Nagreresulta naman umano ang hindi paggastos ng mga customers upang mapigilan ang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Sa kabila ng inanunsyong interest rate hike, siniguro naman ni BSP Governor Felipe Medalla na matatag ang ekonomiya ng bansa upang makayanan ito.
Ang mga banko at lending companies ay bumabase sa inilalabas na interest rate hike ng BSP na magsisilbing benchmark o batayan naman sa mga loan, credit card at deposit rates. RNT
18 plebisito sa bansa tututukan ng Comelec

August 18, 2022 @3:50 PM
Views:
5
MANILA, Philippines – Isinasaalang-alang ng Commission on Elections (Comelec) na tapusin ang pagsasagawa ng lahat ng 18 plebisito sa buong bansa sa Enero o Pebrero sa 2023, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.
Ayon kay Garcia, patuloy ang paghahanda ng poll body para sa barangay at sangguniang kabataan elections ngayong taon kaya maisasakatuparan ang 18 plebisito sa Enero o Pebrero 2023.
Sinabi ng Comelec na ang pag-imprenta ng election paraphernalias ay nagsimula na noong Agosto 2 para sa sumusunod na plebisito:
– Ratipikasyon ng paglikha ng barangay New Canaan sa labas ng Barangay Pag-asa sa Alabel, Sarangani noong Agosto 20, 2022
– Ratipikasyon ng conversion ng munisipyon ng Calaca sa Batangas sa isang bahaging lungsod sa Setyembre 3, 2022
– Pagpapatibay ng paghahati ng lalawigan ng Maguindanao sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur sa Setyembre 17.
– Ratipikasyon ng pagsasanib ng 28 barangays sa mga barangay at isang natitirang barangay sa Ormoc City sa Oktubre 8.
Bagamat sinabi ni Garcia na madali ang pagsasagawa ng plebisito dahil isusulat lamang ang “yes” o “no” subalit nagpahayag ito ng pag-aalala sa posibleng tension na mangyayari sa nasabing proseso.
Sinabi ni Garcia na pinakikilos ng Comelec ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Department of Education para matiyak ang ligtas at mapayapang pagsasagawa ng mga plebisito. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Hontiveros kay Marcos: Magluklok ng ‘competent, full time’ DA chief

August 18, 2022 @3:37 PM
Views:
7