PBBM, nagpulong ukol sa economic situation sa Pinas

PBBM, nagpulong ukol sa economic situation sa Pinas

July 5, 2022 @ 7:33 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – TINALAKAY ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Martes, sa kanyang gabinete ang kasalukuyang economic situation sa bansa.

Ito’y matapos na pangunahan ni Pangulong Marcos ang unang Cabinet meeting sa Malacañan Palace, Martes ng umaga.

Ang miting na dapat ay nagsimula ng alas-9 ng umaga ay nagsimula ng “15 minutes earlier” kaysa sa itinakdang oras.

Ang Philippine economy ang unang isyu na tinalakay ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng kanyang gabinete lalo na sa kanyang economic team na kinabibilangan nina Finance Secretary Benjamin Diokno, Socioeconomic Planning Secretary and National Economic and Development Authority Director General Arsenio Balisacan, at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor Felipe Medalla.

Sa maikling video clip na in-upload sa Facebook page ng Radio Television Malacañang’, hiniling ni Pangulong Marcos sa kanyang economic managers na simulan ang miting sa isang presentasyon ng kasalukuyang estado ng Philippine economy.

“I ask what we call the economic groups, which is the Secretary of Finance (Diokno), the BSP governor (Medalla), and the NEDA (Director General Balisacan), to give us a briefing on the general situation economically because I think we can all understand that the most important area that we will have to deal with will have to be economy,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang “central policy” ng kanyang administrasyon ang susunod na lilikhain ng economic team.

“The central policy actually that everybody else will eventually be following will be that set out by our economic managers,” ayon kay Pangulong Marcos.

Kasama naman sa dumalo sa miting sa Malakanyang sina Vice President and Education Secretary Sara Duterte-Carpio, Executive Secretary Victor “Vic” Rodriguez, at Press Secretary Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles.

Ang Agriculture, finance, transportation at education sectors were ay kabilang sa mga pangunahing items na tinalakay sa unang Cabinet meeting.

Hindi pa nakapagpapalabas ang Malakanyang ng karagdagang detalye hinggil sa “first meeting” ni Pangulong Marcos sa kanyang gabinete.

Sa hiwalay na Facebook post, sinabi naman ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na ang mga attendees ay sumailalim sa mandatong antigen testing.

Nananatili namang hindi kompleto ang gabinete ng Pangulo dahil hindi pa nakapagtatalaga ng mga Kalihim sa ilang departamento kabilang na ang Department of Health (DoH).

Si Pangulong Marcos ay nasa “final stage” sa ebalwasyon ng mga kandidato para sa vacant posts sa kanyang gabinete, ayon naman kay Cruz-Angeles.

Tinanggihan naman ni Pangulong Marcos ang panukalang retrenchment ng ilang government personnel na komolekta ng mas maraming pondo para mapanatili ang pagsisikap na mapabilis ang economic recovery ng bansa mula sa umiiral na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, ayon naman sa panibagong Facebook post ni Tulfo.

“We don’t want anyone out of job at this point,” ang sinabi ni Pangulong Marcos, ayon kay Tulfo.

Sa isang text message, sinabi naman ni Solicitor General Menardo Guevarra na “controlling inflation, ensuring food security, supporting the transportation sector, and resuming the face-to-face classes were among the issues raised during the four-hour Cabinet meeting.”

Ang unang Cabinet meeting, ayon kay Guevarra ay “very productive” as Marcos handled it “extremely well.”

“He (Marcos) is knowledgeable, organized, and very sharp,” ani Tulfo sabay sabing “Other areas of concern will be discussed in subsequent meetings of the Cabinet.” Kris Jose