PBBM nagsagawa ng aerial inspection sa Karding-hit areas

PBBM nagsagawa ng aerial inspection sa Karding-hit areas

September 26, 2022 @ 10:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagsagawa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes ng aerial inspection sa mga lugar na apektado ni bagyong Karding.

Kabilang sa kanyang susuriin ang mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija at Tarlac, base sa Palasyo.

Bago ang inspeksyon, nagkaroon si Marcos ng briefing kasama ang ibang government officials upang busisiin ang sitwasyon sa mga lugar na tinamaan ni Karding.

“Now we are going to fly and to see… I wanted to see what the level of the water is. Tingnan natin, how far we can go. Iba ‘yung nakikita mo eh. I will not land in any place,” pahayag ni Marcos.

Sinabi rin niya na handa ang Department of Social Welfare and Development na magbigay ng tulong sa mga apektadong residente, kabilang ang pagkain at tubig.

“The DSWD is also prepared to provide AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situations) for them. They need assistance… the whole range of assistance is prepared, is ready to go,” ani Marcos.

“But right now, having cash is really not useful for them. So, unahin natin ‘yung immediate needs nila. And when the time comes magagamit na nila ‘yung AICS, bibigay natin sa kanila,” patuloy niya.

Inilahad ng PAGASA na kasalukuyang pa-west northwestward si Karding sa bilis na 30 km/h. RNT/SA