PBBM, nagtalaga ng 3 bagong opisyal ng Sugar Regulatory Administration

PBBM, nagtalaga ng 3 bagong opisyal ng Sugar Regulatory Administration

August 20, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Muling binuo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Sugar Regulatory Administration (SRA) governing body nang magtalaga ng tatlong bagong appointees.

Ang appointments ay isinagawa sa gitna ng kontrobersiyal na hindi awtorisadong pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal na idineklarang “illegal” at ‘di inaprubahan ng chief executive.

Itinalaga ni Pangulong Marcos si David John Thaddeus P. Alba bilang acting administrator ng SRA.

Pinalitan ni Alba si dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica, na nagbitiw mula sa tanggapan sa gitna ng kontrobersiya na may kinalaman sa Sugar Order No. 4 (SO 4).

Samantala, ang iba pang newly-appointed Sugar Regulatory Board members ay sina Pablo Luis S. Azcona, pinalitan si sugar planters representative Aurelio Gerardo Valderrama Jr.; at Ma. Mitzi V. Mangwag, pinalitan si sugar millers representative Atty. Roland Beltran, na nagbitiw dahil sa health reasons. Kris Jose