PBBM, nagtalaga ng ilang bagong opisyal sa CICC ng DICT

PBBM, nagtalaga ng ilang bagong opisyal sa CICC ng DICT

August 31, 2022 @ 3:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Patuloy na pinupunan ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang mga bakanteng posisyon sa pamahalaan.

Sa katunayan, nagtalaga ang Pangulo ng ilang bagong opisyal sa Cybercrimes Investigation and Coordinating Center na nasa ilalim ng Department of Information and Communication Technology (DICT).

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga itinalaga ng Pangulo sina Alexander Ramos bilang bagong executive director ng CICC.

Bukod kay Roxas, itinalaga rin ng Chief Executive sina Mary Rose Magsaysay bilang deputy executive director, habang sina Patricia Abejo, Rojun Hosillus at Alvin Navarro bilang Director IV. Kris Jose