PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa DOTr, LTO

PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa DOTr, LTO

September 19, 2022 @ 5:39 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Opisyal nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO).

Sa katunayan, sa Facebook post, araw ng Lunes, Setyembre 19 ay inanunsyo ng DOTr ang pagtatalaga kina Horatio Enrico Bona bilang LTO Executive Director; Leonel Cray De Velez bilang DOTr Assistant Secretary for Planning and Project Development; Maria Paula Bautista Domingo bilang Assistant Secretary for Administration and Procurement; at Mark Steven Pastor bilang Undersecretary for Road Transport and Infrastructure.

Itinalaga rin sina Jesus Nathaniel Martin Bermejo Gonzales bilang DOTr Assistant Secretary for Finance and Comptrollership; Ma. Marisa Malabag bilang Director III for Comptrollership Service; Zenaida Biteng bilang Director III for Procurement Management Service; at Joel Laguerta bilang Director III for Planning Service.

Ang mga nasabing opisyal ay nanumpa na sa kanilang tungkulin araw ng Biyernes, Setyembre 16 sa harap ni DOTr Secretary Jaime Bautista. Kris Jose