PBBM nakaharap na si King Philippe

PBBM nakaharap na si King Philippe

December 14, 2022 @ 8:31 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakaharap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si King Philippe ng Belgium sa Royal Palace sa Brussels.

Sinabi ng Pangulo na “looking forward” siya sa paglagda sa Philippines-Belgium joint action plan para sa taong 2023 hanggang 2027 na makapagpapalakas sa bilateral cooperation.

Si Pangulong Marcos ay nasa Belgium para dumalo sa ASEAN-European Union Commemorative Summit ngayong linggo.

Nauna rito, sa naging talumpati ng Pangulo sa harap ng Filipino community, araw ng Lunes, Disyembre 12 ay sinabi nito na babanggitin niya ang intensyon ng Pilipinas sa royal audience kasama si King Philippe.

Babanggitin din aniya niya ang 76 na taon na bilateral ties ng dalawang bansa

“Our relationships have remained strong and vibrant based on shared values, common interest, and the good reputation that Filipinos have built not only here in Europe but all over the world,” ayon kay Pangulong Marcos.

“It will also be an opportunity to convey to the King that the Philippines intends to pursue a strategic partnership with Belgium in various fields,” dagdag na pahayag nito.

Ang Pangulo ay nasa Belgium para magpartisipa sa Commemorative Summit sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations at European Union.

Nakatakda namang magdaos ng bilateral meetings si Pangulong Marcos sa mga lider mula sa Belgium, Estonia, the Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, The Netherlands, at European Union.

Nakapulong naman ni Pangulong Marcos si Brussels Airport Chief Executive Officer (CEO) Arnaud Feist sa sidelines ng ASEAN-EU Union Commemorative Summit sa Belgium.

Samantala, ayon sa Office of the Press Secretary, pinag-usapan nina Pangulong Marcos at Feist ang posibleng pagbubukas ng direct flights mula Belgium patungong Pilipinas para suportahan ang development o pag-unlad ng ekonomiya at turismo ng Pilipinas, Western Europe, at maging ng mga bansa sa Southeast Asia. Kris Jose