PBBM nakakuha ng business deals sa Tsina para sa mas murang fertilizer

PBBM nakakuha ng business deals sa Tsina para sa mas murang fertilizer

January 8, 2023 @ 10:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakapag-uwi si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng business agreements sa China para sa mas mababang fertilizer prices, mahalagang bahagi ng kanyang administrasyon na naglalayong tulungan ang mga magsasaka at tiyakin ang food security.

Sa isang kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO), sinasabing ang fertilizer deals ay nakuha ng Pangulo sa isinagawang roundtable discussion sa Beijing kasama ang chief executive officers mula sa agribusiness sector ng China.

“President Marcos has expressed appreciation to two Chinese fertilizer manufacturing companies that have signed a cooperation agreement with the Philippine International Trading Corporation (PITC) to ensure sustainable supply of the much-needed fertilizers at reasonable prices,” dagdag na pahayag ng PCO.

“We look forward to a steady supply of fertilizer inputs needed by our farmers through these agreements,” ayon sa Pangulo sa nasabing kalatas.

Idagdag pa rito, ang halaga ng agricultural inputs, lalo na ang fertilizers, ay “become prohibitive and unaffordable for our local farmers.”

“Providing sustainable and affordable supply of inputs such as fertilizers and seedlings has become more difficult, given global economic challenges, as we have all seen in the supply chain problems that we have encountered,” ayon pa rin sa kalatas.

Sa kabilang dako, nakakuha rin ang Pangulo ng $2.09-billion halaga para sa Philippine fruits haya ng durian, niyog, at saging.

Sa naturang miting, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na ang Philippine economic fundamentals ay “remain strong and have been steadily improving.”

“I assure you that the Philippine government is committed to support your business activities in the country. The Philippine economic management team, including the Department of Agriculture (DA), will serve as your focal points of contact for any concerns regarding doing business and expanding your commercial footprint in the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga Chinese business leaders.

Samantala, Inimbitahan din ng Pangulo ang mga ito na tingnan ang Philippines equally bilang isang “valuable contributor to their global businesses and as a partner in rebuilding the economies of both our countries.”

“Our partnership is critical in adapting and recovering from the pandemic. So together, I think that we can build a more resilient and sustainable economy,” ayon sa Pangulo. Kris Jose