PBBM, nakasailalim pa rin sa home isolation pero pagaling na – Dr. Zarate

PBBM, nakasailalim pa rin sa home isolation pero pagaling na – Dr. Zarate

July 11, 2022 @ 7:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasa day 3 at 4 na ngayon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kanyang home isolation matapos na mahawahan  ng  COVID-19.

Nakapanayam at nasuri noong nakaraang Hulyo 11, 2022, alas-10:30  ng umaga sa kanyang  tahanan sa pamamagitan ng face-to-face  ni Dr. Samuel Zacate na may Lic # 112691, pangunahing doktor ni Pangulong Marcos.

Wala pa ring lagnat  ang Pangulo at body malaise. Ang kanyang ubo ay  nawala na subalit mayroon pa rin siyang “very mild nasal stuffiness and nasal itchiness,” kaya nga, binigyan siya ng karagdagang medication upang tugunan ang kanyang concern at pinayuhan siyang ituloy ang pag-inom ng ibang gamot.

Hinggil naman sa eksaminasyon, ang lahat ng kanyang  vital signs  ay nasa “normal limits and exemplary.”

Hindi naman siya nakaranas ng kahit na anumang karagdagang signs at sintomas.

Ang kanyang lalamunan ay walang kapansin-pansing  inflammation at walang signs of respiratory compromise.

Ipinaliwanag naman kay Pangulong Marcos ni Dr. Samuel Zacate,  ang DoH protocol.

“And in my Clinical opinion, He is on His way to a complete recovery,” ayon kay Dr. Zacate.

This fast recovery is expected from a fully vaccinated individual with a good health status, and a history of great resilience against all adversities just like our President Ferdinand Marcos Jr. ,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose