PBBM, nakatakdang humarap sa Filipino community sa Singapore

PBBM, nakatakdang humarap sa Filipino community sa Singapore

September 6, 2022 @ 1:39 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaasahang haharap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Filipino community sa Singapore para sa kanyang  ikalawang state visit.

Ngayong alas-2 ng hapon ay haharap sa mga mamamahayag ang ilang kawani ng pamahalaan na kinabibilangan nina Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at Department of Migrant Workers Secretary Susan Toots Ople.

Mamayang alas-6 naman ng gabi  ay nakatakdang humarap sa Filipino community si Pang. Marcos at inaasahang magbibigay ito ng kanyang talumpati o inspirational message para sa mga Filipino roon.

Sa kabilang dako, kasama ng Chief Executive  na nagpunta sa Singapore sina Unang Ginang Liza Araneta- Marcos, presidential son, Cong. Sandro Marcos, at mga miyembro ng gabinete ng gobyerno. Kris Jose