PBBM nakatutok sa POGO, tourism ties sa China – Palasyo

PBBM nakatutok sa POGO, tourism ties sa China – Palasyo

October 12, 2022 @ 1:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umaasa ang Pilipinas na ipagpatuloy ang tourism ties o ugnayan sa turismo nito sa China.

Kasabay ito ng ginagawang mahigpit na pagmomonitor ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay matapos na itatwa ng Chinese Embassy na nasa blacklist ang Pilipinas para sa tourist destinations sa kadahilanang ang mga byahero di umano ay maaaring sangkot sa ilegal na aktibidad na inuugnay sa POGOs.

“We share the sentiment of the Chinese Embassy in the Philippines that tourism is an important facet to our relationship,” ayon kay OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil sa isang press conference sa Malakanyang.

“We look forward to continuing that relationship as we continuously welcome our friends from China and we anticipate more of them to come in the months and years ahead,” wika pa nito.

Araw ng Martes, Oktubre 11 inilarawan ng Chinese Embassy ang ulat ng di umano’y blacklisting sa Pinas bilang “misinformation.”

Sa ulat, ibinunyag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kabilang na ang Pilipinas sa blacklisted na tourist site ng Tsina dahil umano sa operasyon ng POGO sa bansa.

Ang impormasyon ni Zubiri ay nagmula matapos ang pagpupulong nila ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian nitong Lunes.

At nang tanungin kung ano ang direktiba ng Pangulo sa usapin ng POGOs, sinabi naman ni Velicaria-Garafil na mahigpit na naka-monitor ang Pangulo sa POGOs.

“Of course, the President is closely monitoring this and as far as the President is concerned, ang Philippine National Police po ang in-charge dito sa usapin na ito,” ani Velicaria-Garafil. Kris Jose