PBBM nakidalamhati sa Indonesia quake victims

PBBM nakidalamhati sa Indonesia quake victims

November 24, 2022 @ 6:35 AM 6 days ago


MANILA, Philippines – Nakidalamhati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga nasawi at sa malakas na lindol sa Indonesia na ikinamatay ng hindi bababa sa 268 indibidwal.

“I express my deepest condolences to President @jokowi (Joko Widodo) for the loss of lives caused by the 5.6 magnitude earthquake that hit Java, Indonesia,” ani Marcos sa kanyang tweet.

“The heartfelt prayers of the Filipino people go out to the families of those lost and affected by this devastation,” dagdag pa rito.

Sa ngayon, ang mga naapektuhan ng malakas na lindol malapit sa bayan ng Cianjur sa Kanlurang Java ay umaapela ng tulong partikular sa pagkain at tubig habang ang mga rescuer ay dumaan sa mga nawasak na nayon. RNT