PBBM nakidalamhati sa naiwang pamilya ng Thailand Day Care attack, Indonesia football stampede victims

PBBM nakidalamhati sa naiwang pamilya ng Thailand Day Care attack, Indonesia football stampede victims

October 8, 2022 @ 3:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagpaabot ng pakikiramay  si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr . sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi sa dalawang magkahiwalay na trahedya sa Indonesia at Thailand.

Isa na rito ang nangyaring football stampede sa Indonesia  kung saan ay hindi bababa sa may 125  ang namatay na itinuturing na world’s worst stadium disaster habang humigit kumulang sa 37 naman ang  nasawi, karamihan ay mga bata matapos na mamaril ang isang dating pulis sa isang childcare centre sa north-east Thailand.

Pagkatapos ng pamamaril ay agad ding nagpakamatay ang gunman na dating pulis.

Sa  naging mensahe  ni Pangulong Marcos na  ipinost sa kanyang Facebook, inihayag nitong kasama siyang nananalangin para sa mga naiwang mahal sa buhay ng mga namatay sa dalawang nangyaring trahedya.

Kalakip sa panalangin ng  Chief Executive  ay ang mabilis na pagka-rekober ng mga nasugatan sa dalawang insidente habang idinadalangin din nito ang kaluluwa ng mga namayapang indibidwal na namatay sa malagim na pangyayari. Kris Jose