PBBM nakidalamhati sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

PBBM nakidalamhati sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

September 9, 2022 @ 1:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ng pinuno ng estado ng Canada at ang pinakamatagal na namunong British monarch na si Queen Elizabeth sa edad na 96.

“It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen Elizabeth II in Balmoral Castle yesterday evening,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang  Facebook post.

“The world has lost a true figure of majesty in what she demonstrated throughout her life and throughout her reign as Queen,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na maaalala si Queen Elizabeth “for exemplifying a true monarch’s great dignity, commitment to duty, and devotion to all those in her realm.”

“We, together with many Filipinos living and working in England, though not subjects of the Queen, have found ourselves having developed a great sense of affection for her as a Queen, as mother, and as a grandmother,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sa kabilang dako, personal namang nagpunta si Pangulong  Marcos   sa British Embassy sa Maynila para lumagda sa condolence book.

Ito’y bilang pagpapaabot pa rin ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni Queen Elizabeth.

Sinabi ng Malakanyang na  ito’y close-in engagement lamang.

Sa ulat, namatay si Queen Elizabeth Huwebes ng hapon sa Balmoral Castle sa Scotland, sinabi ng Buckingham Palace sa isang maikling pahayag.

Ang Reyna ay mapayapang pumanaw.

Ang King at Queen Consort ay mananatili sa Balmoral ngayong gabi at babalik sa London kinabukasan, sinabi ng palasyo, na tinutukoy ang anak ng Reyna na si Charles, na awtomatikong naging hari kasunod ng kanyang pagpanaw, at ang kanyang asawa, si Camilla.

Ang asawa ni Queen Elizabeth, si Prince Philip, ay namatay noong Abril 2021.

Si Elizabeth ay naging Reyna noong 1952, sa batang edad na 25, at namuno sa bansa at sa Commonwealth, kabilang ang Canada, sa loob ng pitong dekada. Ang 70 taon na iyon bilang monarch ay kinilala sa Platinum Jubilee events ngayong taon na ipinagdiwang sa London noong Hunyo. Kris Jose