PBBM nakiisa sa Ash Wednesday

PBBM nakiisa sa Ash Wednesday

February 22, 2023 @ 11:11 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – “We pray for our nation’s quiet reflection this Ash Wednesday.”

Kuha ni Crismon Heramis

Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mamamayang filipino na nakikiisa ngayon sa Miyerkules ng Abo o Miyerkules-de-Senisa.

At habang naghahanda aniya para sa panahon ng Kuwaresma, mangyari aniyang magsilbing inspirasyon ang pagmamahal ng Mahal na Poong Hesukristo  para sa patuloy na pagsisilbi o paglilingkod sa iba sabay sabing “may the love of Christ inspire us to endure and faithfully continue our service to others.”

Sa kalendaryo ng Kanluraning Kristiyano, ang Miyerkules ng Abo o Miyerkules-de-Senisa ay ang unang araw ng Kuwaresma at pumapatak apatnapu’t-anim na araw (apatnapu kapag hindi binibilang ang mga Linggo) bago ang Pasko ng Pagkabuhay. Kris Jose