LTFRB, naglabas ng memo vs sexual harassment sa mga PUV

March 28, 2023 @5:00 PM
Views: 10
MANILA, Philippines – Malalagot na ang mga operator, drayber, konduktor at mga empleyado na mahuhuli sa mga aktong may kinalaman sa sexual harassment sa loob ng public utility vehicles (PUV), ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa isang pahayag nitong Lunes, Marso 27, inihayag ng LTFRB na tinututukan ng Safe Spaces Act ang “gender-based sexual harassment” sa mga kalsada, pampublikong lugar, trabaho, paaralan, at pati na sa internet.
Kabilang sa LTFRB Memorandum Circular No.2023-016 at Safe Spaces Act na patawan ng parusa ang mga mahuhuli na nagmumura, tumatawag o nagkokomento na may bahid ng kalaswaan at kabastusan, pangungutya sa kasarian, at mga katagang may kinalaman sa pribadong buhay ng isang tao, kabilang na ang mga “sex jokes.”
Para sa unang paglabag, ang sinumang mahuhuli ay pagmumultahin ng P5,000 at papatawan anim na buwang suspensyon.
Multa naman na P10,000 at isang taon na suspensyon ang ipapataw para sa ikawalang paglabag, at P15,000 at pagbawi ng CPC ng sasakyan ang para sa ikatlong paglabag. RNT
Verified accounts na lang pwedeng bumoto sa Twitter polls mula April 15 – Musk

March 28, 2023 @4:48 PM
Views: 16
MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Elon Musk nitong Lunes na tanging verified Twitter accounts na lamang ang maaaring bumoto sa polls simula April 15, na ayon sa CEO ng social media company ay makatutulong sa pagtugon sa AI bots.
Sinabi rin ni Musk na tanging verified accounts na lamang ang eligible para sa Twitter’s For You recommendations, kung saan idini-display ang stream ng tweets mula sa mga account sa Twitter.
Hindi agad nagkomento ang Twitter hinggil dito.
Nitong nakaraang taon, sinabi ni Musk na lilimitahan ng Twitter ang pagboto sa policy-related polls sa nagbabayad na Twitter Blue subscribers. RNT/SA
PNP magpapakalat ng 78K pulis sa Semana Santa, ‘summer’ break

March 28, 2023 @4:36 PM
Views: 18
MANILA, Philippines- Magtatalaga ang Philippine National Police (PNP) ng halos 78,000 tauhan sa tourist spots at iba pang mga lugar hindi lamang sa Semana Santa, maging sa natitirang bahagi ng “summer” break.
Inihayag ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na may kabuuang 38,387 pulis ang aatasang magpatrulya habang may kabuuang 39,504 pulis ang ipakakalat sa partikular na “areas of convergence” gaya ng major thoroughfares, transportation hubs, terminals, commercial areas, at mga simbahan.
“The PNP National Headquarters has issued operational guidelines for Police Regional and Provincial Offices to implement their respective law enforcement and public safety plan for the 60-day summer holiday season,” ani Azurin.
“We are expecting a large number of travelers during this entire period, and we want to make sure that they will have a safe and enjoyable experience,” dagdag niya.
Mag-uumpisa ang Lenten break sa April 6 at matatapos sa April 10 matapos ilipat ni Pangulong Marcos ang Araw ng Kagitingan mula April 9 sa April 10 bilang bahagi ng kanyang Holiday economics—na naglalayon na i-maximize ang promosyon ng lokal na turismo.
Bukod sa Mahal na Araw at Ramadan sa susunod na buwan, karaniwan ding nagsasagawa ng mga pista at iba pa religious festivities tuwing Mayo.
Sa Pilipinas, mayroon lamang dalawang weather seasons– tag-ulan o rainy season (June hanggang November) anat d tag-init o dry season (December hanggang May) subalit itinuturing ang April at May bilang summer.
Sinabi rin ni Azurin na magkakasa ng Assistance Hubs at Police Assistance Desks (PADs) sa strategic areas para tumugon sa mga reklamo.
“We call on the public to cooperate with us and follow the rules and regulations set by the government to deter the occurrence of crime, prevent accidents and avoid unnecessary inconvenience,” ani Azurin. RNT/SA
Marcos sa pagbasura sa petisyon vs drug war probe: ‘That ends our involvement with the ICC’

March 28, 2023 @4:24 PM
Views: 18
MANILA, Philippines- Walang susunod na hakbang ang Philippine government matapos ibasura ng International Criminal Court, sa Appeals Chamber nito, ang petisyon na suspendihin ang imbestigasyon sa drug war sa bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes.
“We don’t have next move. That’s the extent of our involvement with the ICC. That ends our involvement with the ICC,” giit ni Marcos.
“The appeal has failed. In our view, there’s nothing more that we can do… At this point we are essentially disengaging from any contact, communication with the ICC.”
Binigyang-diin ni Marcos na wala nang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at ICC, at nanindigan sa posisyon ng pamahalaan na hindi ito makikipagtulungan sa international body.
“We ended up in the same position that we started with and that is we cannot cooperate with the ICC considering the very serious questions about their jurisdiction and about what we consider to be interference and practically attacks on the sovereignty of the Republic,” aniya.
“So that pretty much it, we have no longer any recourse when it comes to the ICC.”
Kumalas ang Pilipinas mula sa Rome Statute, na nagtatag sa ICC, noong March 2019, sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/SA
Remulla: Teves ‘pugante’ na

March 28, 2023 @4:12 PM
Views: 22