PBBM nakiisa sa paggunita sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power

PBBM nakiisa sa paggunita sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power

February 25, 2023 @ 10:52 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nag-alok si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Sabado ng “hand of reconciliation” sa 37th anniversary ng EDSA People Power Revolution Anniversary.

“As we look back to a time in our history that divided the Filipino people, I am one with the nation in remembering those times of tribulation and how we came out of them united and stronger as a nation,” pahayag ni Marcos.

“I once again offer my hand of reconciliation to those with different political persuasions to come together as one in forging a better society — one that will pursue progress and peace and a better life for all Filipinos,” dagdag niya.

Nitong Sabado, makikita ang isang wreath mula sa Pangulo sa People Power Monument sa Quezon City.

Sa loob ng apat na araw, mula Pebrero 22 hanggang 25, winakasan ng 1986 EDSA People Power Revolution ang administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. 

Batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), anim sa 10 Pilipino ang naniniwalang buhay ang diwa ng EDSA People Power Revolution.

Nakalinya ang ilang aktibidad ngayong Sabado, Pebrero 25, para gunitain ang anibersaryo, kabilang ang Misa at wreath-laying sa EDSA People Power Monument. RNT/SA