PBBM, nakipagpulong kay Cambodian PM Hun Sen sa ASEAN summit

PBBM, nakipagpulong kay Cambodian PM Hun Sen sa ASEAN summit

November 11, 2022 @ 8:18 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Huwebes ng gabi, Nobyembre 10 kay Cambodian Prime Minister Hun Sen sa sidelines ng ASEAN summit sa Phnom Penh.

Nagpulong ang dalawang lider sa Peace Palace sa Cambodian capital, na siya ring nagho-host ng 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits mula Nobyembre 10 hanggang 13.

Ayon sa Office of the Press Secretary, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang kanyang pag-asa para sa ASEAN unity at world peace.

Kapwa naman nagkasundo ang dalawang lider na palakasin ang kooperasyon o pagtutulungan sa pagitan ng Piipinas at Cambodia sa aspeto ng “finance, agriculture, geopolitics, at digitalization.” Kris Jose