PBBM nakipagpulong na sa mga gabinete sa super Typhoon Karding

PBBM nakipagpulong na sa mga gabinete sa super Typhoon Karding

September 25, 2022 @ 5:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bagama’t may jet lag pa dahil sa kanyang anim na araw na working visit sa Estados Unidos, kaagad na napasabak sa trabaho si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kaagad na nakipag-ugnayan sa mga miyembro ng kanyang gabinete na direktang kasama sa paghahanda sa Super Typhoon Karding.

“I am in constant contact with Defense Secretary Jose Faustino Jr., who also chairs the NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council), as well as with DSWD (Department of Social Welfare and Development) Secretary Erwin Tulfo and Secretary Renato Solidum of the DOST (Department of Science and Technology),” ayon kay Pangulong Marcos sa isang kalatas.

Patuloy at palagi ring nakikipag-ugnayan si Pangulong Marcos kay DILG (Department of Interior and Local Government) Secretary Benhur Abalos para sa posibleng paglilikas sa mga mamamayan na madadaanan ng Super Typhoon Karding lalo na sa mga low-lying areas na ‘prone’ sa baha.

Samantala, kaagad na nagpatupad ng konkretong hakbang ang regional field offices (RFOs) ng Department of Agriculture (DA) sa mga lugar na madadaanan ng Super Typhoon Carding.

Kabilang na rito ay ang pagbuhay sa Regional Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operation Centers ng DA; ‘prepositioning’ sa mga binhi ng bigas at mais, gamot at biologics para sa mga livestock at poultry sa ligtas na storage facilities; pakikipag-ugnayan sa Local Government Units (LGUs) , at iba pang Regional DRRM-related offices sa pagmo-monitor sa STY “KARDING”; patuloy na dissemination ng advisory sa Animal Protection and Council Office (APCO), LGUs at farmer leaders para i-disseminate o ipalaganap ng mga ito ang kahalintulad na impormasyon sa komunidad at local farmers para sa kanilang farm operation activities; at pagmo-monitor ng aktuwal na field situation para sa posibleng pinsala o danyos at pagkaluigi na maaaring matamo sa mga pananim, livestock o paghahayupan at pangisdaan. Kris Jose